Saturday 5 October 2013

Sa Bay 8

Tumabi siya sa akin. 

'Wala naman akong gagawin ngayong gabi' sabi niya sa kausap niya sa telepono.


Hinawakan ko ang bag ko. Maraming bagay ang nawawala't nananakaw sa mga terminal.


Tinignan ko siya. Mula sa itim na sapatos hanggang sa kanyang buhok. Nakaramdam yata siya't tumingin din sa akin, sa mata. Humithit ako ng yosi sabay iwas ng tingin. Alam kong nakapako pa rin sa akin ang mga mata niya. 


Inilabas ko ang usok sa aking dibdib. Marami ang nalulunod sa mga bagay na ikinukulong sa dibdib katulad ng lason ng usok. 


Tinignan ko ulit siya. Ngumiti siya. 


Tumingin sa mga sasakyang dumadaan, at umaalis na mga pasahero. Tumingin ulit ako sa kanya. 


Maraming bagay ang naliligaw sa mga terminal at kanya-kanya tayo ng paraan para mahanap ang daang patutunguhan. 


Hindi yata ako nag-iisa. ###


Kanina sa NAIA Terminal 3 habang nagpapahinga at nag-iisip kung saan ako titira ngayong gabi.

14 comments:

  1. Ngayon na ba ang Visayas trip mo? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Balik Maynila after Bora. Stay muna dito ng Sunday then Monday lipad to Tacloban.

      Delete
    2. Enjoy lang Space. Next time isama mo ko. Ingats! :D

      Delete
  2. Travel blogger n ang peg , dito k nlng nagstay sa bahay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe thanks ser. okey naman. Next time! Nyahahah

      Delete
  3. wow...more more fly, more fun...

    dapat, kinantahan mo kagad sya ng...... 'sharing the night together'... hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naisip ko nga e 'we found love in a hopeless place' hahahhaa (love agad?)

      Delete
  4. hope you had a good and safe trip :)

    ReplyDelete
  5. Nakakatuwa naman mag basa ng mga ganitong blog. Proudly Pinoy! Magaling na makata :)

    ReplyDelete