Tuesday 7 April 2015

Bakit Tayo Nalulusaw sa Pagri-review ng Facebook Newsfeed

Binalikan ko ang newsfeed ko sa Facebook. Nililinlang yata ako ng mata ko. Matagal na akong hindi nakakakita ng update mula sa iyo.  Matagal nang hindi ko naaalala at nabibigkas ang pangalan mo.

Malikot ang isip ko at judgemental nga yata talaga ako gaya ng sabi ni Mace. Sa totoo lang, hindi ko alam kung masasaktan ako o hindi, kung malulungkot ako o hindi. In-assume ko na yung kasama mo sa litrato ay ang bago mong karelasyon. Maganda ang dagat. Mainit ang tag-araw. Mukha ka ring masaya.

Ang sabi mo dati, ako ang Pasipiko sa iyong dibdib. At masyado ko yatang dinibdib ‘yun. Naniniwala ako na nakakarma na ako sa mga kaartehan ko noong 20 years old ako.

Kaya siguro ayaw ko nang masyadong mag-Facebook. Mapait ang muling mabanggit ang pangalan mo. 

###

Ang haba ng nilakbay ko mula Baguio to Apayao, mula lamig tungong init para lamang magmoda ng ganito. Past whogoat: http://mgaespasyo.blogspot.com/2013/05/pasipiko-sa-aking-dibdib.html

2 comments:

  1. The good and the bad old days.. Hayst... Tapos na ang lahat pero bakit masakit pa din?

    ReplyDelete
  2. i-unfriend na yan para walang pahirap sa dibdib :)

    ReplyDelete