Monday, 27 May 2013

Ulan sa Sunshine Park

Tila binibilang mo ang ulan
habang pinagmamasdang maipon
ang tubig sa ating paanan.
Ganito ka nakikipag-usap sa akin.
Nag-uunahang patak
ang mga salitang
hindi masabi-sabi.
Aalis ka.
Magsisindi ako ng sigarilyo.
Ganito tayo namamaalam.
Dito sa liwasan, kabisado ko
ang lugar kung saan ka
uupo’t tatahimik,
kung saan ka seryoso’t
nagagalit.
Ang Sunshine Park
ang kanlungan ng lahat
ng alam ko tungkol sa iyo,
ang hindi mabilang
at hindi maalalang
mga alaala.
Sa ganitong paraan ako nagbabalik
sa ating tagpuan
at sa iyo.###

2 comments:

  1. kung ako ganito rin siguro ang gagawin ko. tatanggapin na na wala siyang balak baguhin ang tema ng tagpuang 'yon. pero hindi naman masama kung nais ko 'yong balik-balikan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. basta wag nang manahan sa nakaraan :)

      Delete