Thursday 2 May 2013

Narinig ng Baguio ang tibok ng puso ng ulan

Narinig ng buong Baguio ang tibok ng puso ng ulan.

Ang lahat ay tumanaw sa bintana.
Naghahanap ng mapagpupukulan
ng kaba,
may pagtatampo, 
may pagyayamot,
may pangungulila. 
Katulad din ng rumaragasang 
tubig
mula bubungan
tungo sa kalsada,
nagbabalik ang mga gunitang itinago ng 
pagmamadali at pag-aabala. 

Ang lahat ay tumigil at nagmasid. Tinakpan ng dilim ang langit. 

###

4 comments:

  1. Buti pa jan sa Baguio umulan.. Naku dito, sobra inet. Naghihintay din kami ng ulan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, last week puro ulan, Ngayon, maulap lang. Pero mainit pa rin (pero sa baba malamig na yung ganitong panahon). Darating din ulan, wag kang mag alala. Hehe

      Delete
  2. Mahilig ka sa ulan ano? Pangalawang post mo na to tungkol dito. At gaya nung una, maganda ulit ang pagkakahayag mo ng damdamin mo ukol sa ulan.

    Nakatira ka pala sa Baguio, Space?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Based ako sa Baguio ngayon. At oo, paborito ko ang ulan. Haha

      Delete