Sunday, 18 September 2016

Sampung minutong pelikula

Related pa rin sa MIBF2016 itong post na ito. 

Naalala ko kasi bigla ang isang writer na kapalitan ko dati ng ideas about writing. Nakita ko ang libro niya. Binigyan niya ako dati ng tips at ilang babasahin tungkol sa pagtula. In-edit at ni-review niya rin dati ang ilang gawa ko (na nandito sa blog na ito). Parang libreng klase 'yun since nagtuturo siya sa isang na university. Tamad kasi ako noon at nawalan yata ako ng interes dahil sa trabaho. Sayang.

Kaya naman, bigla kong naisip kalkalin ang ilang email exchanges namin. May nakita akong document na in-email ko sa kanya five years ago na ang filename ay ang title ng blogpost na ito (sorry naman sa kaartehan). Ilan sa mga nakita ko sa document ay ang mga nasa ibaba.

***

2.       Wakas

Gumayak ang usok ng aking sigarilyo sa
kawalan.
Binuo nito ang iyong larawan.

3.       Mensahe

Sa palad mo
isinulat ko ang hindi naipadalang liham.
Huwag mo na sana akong muling bitawan.

5.       Larawan

Malalim kung sisisirin ang iyong dagat.
At pagtingala ko sa langit,
nabasag sa milyong lagusan ang iyong liwanag.

6.       Dapit-hapon

Rumaragasa sa lungsod ang milyong memorya.
Ang naisaulo ko lamang 
ay ang iyong pagkawala.

7.       Paglimot

May matamis na lasa
ang huling higop ng kape -
mga naipong asukal
ng iyong ngiti.

###


Ngayon, mas malinaw naman na siguro ang reason kung bakit ako sumuko sa "online" class na 'yun. Nahiya akong ganito na lang forever ang nasusulat ko na totoo naman hanggang ngayon. Hahaha
                     

4 comments:

  1. Napangiti ako sa sakit, bwiset. Ang sarap higupin ng mga ganito, banayad ang dampi sa lalamunan pag binabasa. Ikaw na. Ikaw pa rin. Ikaw pa rin lagi. Ikaw pa rin naman. HAHAHAHA!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oi! Kumusta. Hinahanap kita sa Facebook. Hahaha

      Delete
  2. Sa panahon ng microblogging, ang hirap makakakita ng mga piece na maigsi pero tumatagos. Yung usok, naluha ako ng very light.

    ReplyDelete